1 The 13-Types of Teachers (1/2)

Chronicles of High School Dirty Little Secrets

Here's to the scandalous secrets of our Bonafied, respectable school teachers. They teach us to be good and then we learn the truth. It isn't hidden in books or their boring lectures, real 'Good' things happen when the last bell rings.

13 Types of Teachers

Disclaimer: Sa bawat eskwelahan at sa bawat estudyante, may kaniya-kaniya tayong pagklasipika sa iba't-ibang uri teachers na mayroon tayo. Ito ay gawa lamang ng aking malikot na imahinasyon at ang mga nabanggit ay mga karakter sa istoryang aking ilalahad.

Teacher no. 1 - Binibining Perfecto (The Picture Perfect Teacher)

Siya 'yung teacher na ginawang extra ang lahat ng ordinaryo. Ang unang assignment niyo ay basahan at floor wax. Kapag siya ang class advisor niyo, asahang isa sa major activity niyo ay pagandahin ang classroom. Paniguradong ang classroom niyo ay sagana sa recognitions - most presentable, best in cleanliness, best in interior design, etc. etc.

Siya din ay palaging masaya, mahusay magsalita, plakado manamit, present sa lahat ng school events, at mahusay mambola 'tuwing parent - teacher meeting. May Instagram at Pinterest account siya.

Teacher no. 2 - Mam Pagoda (The Über Stressed Teacher)

Lahat naman siguro ng teacher ay naii-stressed sa dami ba naman ng estudyanteng tinuturaan na siyang dami din ng trabaho. Pero mayroon talagang isang mangingibaw na para bang araw-araw may regla. 'Laging may punto sa dulo ng bawat salita, parang palaging galit, at paminsan-minsa'y sinasapian ng makulimlim na panahon na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Palaging madaming bitbit, naka closed-shoes na may maikling takong, at paniguradong teacher's uniform ang palaging suot. Mahilig magsulat sa board na siyang ipapasulat niya din sa inyo, at iche-check niya ang notebooks ninyo either every week, after prelims-midterm-finals, o sa pagtatapos ng semester. Mabuti at hindi siya mahilig magpa-assignment pero asahang madalas ang surprised quiz.

Teacher no. 3 - Ms. O (The Nobel Prize Winning Teacher)

Taon-taon siya ang ginagawaran ng ”Natatanging Guro Award”. Misyon niya sa buhay ay siguraduhing magawa ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga estudyante. Siya yung palaging binibigyan ng mga craft-arts ng kanyang mga estudyante lalo na yung mga pa-graduate na.

May picture siya ng paboritong group of students niya sa faculty table niya. Lahat ng mementos na binigay sa kaniya naka-display kung hindi man sa table niya, ay sa room ng advising class niya. Handa din siyang makipag-iyakan sa mga estudyante niyang madadrama. Mahilig siya sa mga teleserye at newbie sa KPOP fever.

Teacher no. 4 - Mr. Severus (The Life Isn't Fair Teacher)

Siya 'yung teacher na isinusumpa ng mga tamad at hinahangaan at nirerespeto naman ng mga dakilang estudyante, pero kinakatakutan pa din ng lahat. Masungit siya sa mga hindi gumawa ng assignments, hindi nagreview, at palaging late. Pero wala ka din makikitang satisfaction sa kaniya kahit ginawa mo na ang lahat. Kailangan mo muna lumuha ng libro para lang maabot ang standards niya.

Karespe-respeto ang suot, matangos ang ilong, leather ang bag, at mabilis maglakad. Ayaw mo siya makasalubong sa hallway, sa library, o kahit saan bukod sa classroom dahil wala ka rin naman choice. Hindi naman siya basta terror na lang. Ang tanging gusto lang niya ay magkaroon ng disiplina at maging pursigido ang mga estudyante niya.

Teacher no. 5 - Sir Albert (The Caffeine Addict Einstein Teacher)

Siya 'yung teacher na isang tingin pa lang, alam mo ng hiwalay sa asawa, galit ang dalawang anak, pero umaasa ang ikatlo na uuwi na siya. Sa sobrang talino niya, sa school na siya nakatira. Masyado siyang passionate sa pagtuturo kaya lahat ng best practices in teaching ay kinabisado niya na. Mahilig siya magpa-faculty meeting at mag-organize ng faculty-wide professional development seminars.

Makikita siya palagi sa library, loose ang kurbata, naka un-tucked long-sleeves polo at may bitbit na kape. Friendly siya sa mga estudyante, at kapag nagtanong ka ng school o subject related questions ay willing siyang magdiskurso sa hallway, sa entrance ng CR o paglabas ng classroom.

Teacher no. 6 - Mr. Pagoda (The I-See-Dead-People Teacher)

Ang teacher mong zombie. Siya 'yung teacher na parang hindi na pinatulog ng lesson plans, assignments na iche-chek, at paghahanda ng quizzes o mga pahirap sa estudyante kinabukasan. May sarili siyang version sa kantang 'Dying Inside', mukha na kasi siyang walang buhay. Hindi mo mamamalayang dumaan siya, pumasok sa class o lumabas na pala siya. Manhid siya sa ingay, nagaaway, o sa mga nagtayo ng salon sa backseats ng classroom.

Hindi siya masungit, o terror sa estudyante, o kinaiinisan nino man. Pero siya yung tipong isang tingin mo lang, tatamarin ka na. Sa sobrang siryoso niya at pagpapahalaga sa matutunan ng kanyang mga estudyante, nakalimutan na niyang mabuhay pa. Kulay brown ang sapatos niya na lumang-luma na.